Powered By Blogger

Biyernes, Abril 13, 2012

Simpleng Hi... Simpleng Hello... Dun nagsimula ang lahat.

Pagsasamahang binuo ng mga ngiti at halakhak, ng talino at sikap, ng lungkot at hirap. 


 Ngayong araw naramdaman kong hindi ako nag-iisa. Ang simpleng gago na dati'y iyakin, sa wakas ay nakahanap na ng bubong na masisilungan sa tuwing papatak ang ulan at mga panyong papahid sa pupatak na luha saba'y sa pagtulo ng mga sipon. Sa piling ng mga taong BALIW kung tawagin at baliw man ay may laman din. 

 Tuwang tuwa ako habang pinapanuod ko magpatawa at magpasikat sa unahan  sina Nikko at John Mark na tila walang pakialam sa mga nakatingin sa kanila. Ang ilan ay nagtatawanan rin. Sa pagbaling ng aking mga mata ay napaawit na lang ako sa jamming nina Cydrick, Andrew at Mark Roe . Kaming apat na laging magkasama...kaming apat na walang oras na hindi magkakatabi at magkakasama. Sa kabilang dako ay nakita ko ang tahimk na pagbabasa ng libro nina Joyce at Jueann at ang malakas na kwentuhan at chikahan nina Vivien, Shaina, Mader, Angie, Paui, Julie at Euan. 


Niyaya ako maglakad ng tatlo kong kaibigan. Sa aming paglalakad hindi ko namalayan na sipa-sipa ko ang isang bote ng coke na walang laman hanggang sa masipa ito ng iba at hindi ko na matanaw. Tila ganun nga kabilis dumating at maglaho ang mga bagay sa mundo. " Wala na.." Natulala ako... Siguro ganoon nga iyun. May mga bagay na bigla na lang dadating at bigla na lang ding maglalaho ng hiindi ko napapansin.At pagdumating ang oras na ito'y mawala maiisip na lang natin na "sana may mas madami pa akong oras kaipiling siya...kapiling sila." 
Ito ang huling araw na kasama ko siya. Huling araw ngayong school year na kasama ko ang tropa.  Pagkatapos nitong araw na'to maaaring magbago ang lahat. Maaaring magbago ang takbo ng aming kanya-kanyang mundo. Ayaw kong mangyari yon pero hindi maiiwasan. Lahat naman ng bagay nababago ng oras. Oras na walang ginawa kundi manira o magpaganda ng takbo ng mundo. Oras na lagi na lang puno't dulo ng lahat ng pagbabago. Bagay na sinisisi ng marami pero gumagawa lang ng kanyang trabaho. ANG TUMAKBO.

Wala akong magawa. Maghahalwat na lang ako ng gamit... Binuksan ko ang bag ko... Mga nabubulok na pahina ng notebook lang ang nandun. Binuklat ko ang clearbook ko. Isang litrato na naglalaman ng apat na tao ang nakita ko. CMAC: Carlo.Mark.Andrew.Cydrick. Isang pangalan na binubuo ng apat na iba't ibang pangalan. Isang grupong binubuo ng iba't ibang tao na may iba't ibang ugali at iba;t ibang kabaliwan. Ang kabaliwang nagbuklod sa apat na ito ay ang parehong kabaliwan na rason kung bakit umingay ang tahimik kong mundo...Ang kabaliwan na nagbigay kulay sa panda-colored world ko... Ang kabaliwang naghatid ng saya hindi lamang sa aming apat kundi sa ibang tao.

"Wala naman tayong pupuntahan. Ayoko pang umuwi." Pare-pareho ang nasa-isip namin nun. Kumain kami sa labas pagkatapos bumili ako ng madaming pagkain na kilala sa tawag na chichiria. Tumungo kami sa aming silid. Hindi pa ako nakakapasok sa loob, napawi ang aking ngiti. Itong silid na ito na pinangalanang "LV's mental institute". Kung titingnan sa labas tila isang haunted room. Nakakatakot.Madilim.Luma.Magabok.Madumi. Ngunit sa pinakamadidilim na lugar nakikita ang pinakamaliwanag na ilaw. Dito kami nanahan sa loob ng sampung buwan hindi bilang magkakaeskwela pero bilang magkakapamilya.kapuso at kapatid. XD. (So funny but true.haha) Ang silid na ito ang naging tahanan namin. Sa likod ng mga gabok sa mga sulok nito itinago namin ang mga ngiti. Sa ilalim ng mga dumi nito ibinaun namin ang mga luha. Dahil ang munting room na ito ay hindi basta isang silid. Ito ang puso namin na pinagtagpitagpi ng halakhak at iyak para makabuo ng mas malaking puso. Pusong nagbigay daan sa lahat ng aming tagumpay. Pusong nagbigay ilaw sa mga araw ng kadiliman.

Pumasok kami sa loob. Walang tao. 10 lang kami. CMAC at ilang DRC girls. Sa bawat lamesa may natitirang alaala.Sa bawat bangko may natatandaang pangyayari. Bigla akong napangiti. Baliw nga eh. Naalala ko lang yung mga oras na nakangiti ang lahat. Mga araw na tila kinalimutan namin ang lahat, na para bang kami lang ang mga tao sa mundo. <FLASHBACK> *Sigaw* *TAWA*  *Tumahimik bigla* *tawa ulit.* *TAWA* *Salita. sabay palipad ng eroplanong papel.**TAWA**Bumagsak ang eroplano**TAWA* Walang katapusang tawanan.  <End of flashback>

Iba't ibang uri ng tawa at hinagpis sa likod ng mga ngiti ang aking nakita sa loob lamang ng ilang minuto. Mga baliw na pinipilit maging matapang mapagtakpanlang ang nararamdaman. Mga baliw na ginagawang libangan ang pagtawa upang makalimot. Mga baliw na minsan naging mga totoong magkakaibigan na pinagbuklod ng kaniya-kanyang kabaliwan. Mga baliw na pinoproblema ang problema ng iba. Mga baliw na lumalaban kahit kakaunti ang chansang manalo. Mga baliw na patuloy na nabubuhay. Tunay na Baliw. pero Baliw man ay may laman.

Lumipas ang mga oras....

Napaupo ako sa isang magabok na upuan ng silid. Ang bangkong sampung buwan sinasalo ang malaki kong pwet. Ang bangkong kasama ko sa araw-araw. Siyang kasama ko sa lungkot at saya. Sa kagipitan at kayamanan. Sa hirap at ginhawa. Sa pagbabasa at panggagaya. Sa pagsusulat ng mga walang kwenta kong katha.Siyang kasama ko ngayong tatapusin ang isa pang madramang katha na ginawa ng malalaki kong kamay kasama ang mahahabang daliri.

Inaalala na naman ng makitid kong utak ang masasayang nakaraan nang ang DRC ay masayang nagtatawanan, ang 1234567 ay malakas na ngchichismisan, ang GRELLE ay nagpapakaaadik sa tinatawag nilang "anime" na kilala ko bilang cartoon, ang pahina ng libro ng ABJ3 ay hindi pa nanlalagas, nang naririnig pa namin ang boses ni Ysabelle, nang JARAKEÑA and friends ay masaya pang nagpipiktsuran, nang ang CMAC ay walang hanggan ang pangungulit sa bawat isa.

...nang segundo...minuto...oras....araw. Na baliw pa ang lahat.

"Lahat ng simula ay may katapusan ngunit lahat ng katapusan ay panibagong simula lamang."






Love and Victory is LV
Elvie's Generation

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento