Ilang oras na lang ang natitira.
Patuloy na lilisanin ang mundong hindi inakalang matatanto. Ang mundong hindi
ko inakalang magiging mas masayang mundo. Yung mundong palagi kong hinahanap
pero ni hindi ko matagpuan sa lumang mundo ko. Sa mundong kapiling siya.
Kapiling SILA.
Sampung pisong aral ang pinabaon sa akin ng
mundong ito. “Hindi mo naman kasi kailangan makipagsiksikan at pumila para sa
kanya. Malay mo may isang nasa tabitabi lang tapos hinihintay kang pumunta sa
kanya.” Sabi nung banyo sa isa pang banyo. “Wala namang mawawala sayo kung sa
simula pa lang inayos mo ito.” Sabi naman nung nawawalang stylus. “Akala mo
lang na nawala siya pero andun lang siya sa tabi, nagpapahanap sayo. Kaw kasi
eh. Kinalimutan mo.” Sabi naman nung Missing Charger. “Lahat may takdang oras. Lalo
na sa pagligo.” Sabi nung isa. “Kahit sumobra ka sa oras. Basta alam mong
maganda naman yung ginawa mo.” Sabi nung timer. “Sa isang relasyon laging may
isang MAS Sweet kesa dun sa Isa.” Sabi naman nung Ponkan. “Hindi porke masama
na ang lasa nung isa. Masama na kaming lahat. Sambit ng binigay na mansanas.
“Madaming kahulugan ang mga bagay sa
mundo. Hindi lang isa. Maaaring dalwa o tatlo. Depende yun sa tao.” Sabi ng
burger machine. “Baka nga totoo ang tadhana. Siguro sapat na yung ebidensya na
nandito ka kasama ko.” Sabi nung isa. “Lahat may katapusan. Kahit ayaw natin,
magwawakas at magwawakas yan. Kelangan natin tanggapin. Kailangan magmove-on.”
Narinig ko sa may pinto.
Ngiti. Tawa. May luha din naman. Sana’y
walang hanggan. Pero alam kong lahat may hangganan. Kaya rerevised ko na lang.
“Sana may extension.” Sana nga. Masaya pa eh.
Patuloy na umiikot ang kamay ng orasan at dadating na ang panahon ng paghuhukom. Paghuhukom na siyang
magpapasya ng lahat. Katapusan na nga ba o simula na ng pagakyat sa rurok ng
tagumpay. Pagkatapos paglaruan ang mga salita’t parirala. Pagkatapos
kalantariin ang lahat ng imahinasyon at ideya. Pagkatapos nito maaaring magbago
ang lahat. Pagkatapos nito maaaring magkaroon na tayo ng kanya-kanyang mundo.
Maaaring tumahak na ulit tayo ng iba’t ibang daan na maglalayo sa ating lahat. Pero magbago man ang lahat mananatiling may alaala ng mga araw na nagdaan. Mga araw na nagbigay ng madaming aral.
Pinasaya ang puso ng panandalian pero pinaasa na sana walang magbabago. Patuloy na umaasa kahit alam na imposible. Pero kung magbago man ang takbo ng kaniya-kaniya nating mundo, sapat na yung nabigyan tayo ng isa pang pagkakataon. Baka hindi binigay ang isa pang pagkakataon para bawiin ang pagkatalo natin noon. Pero baka binigay ito para marealize natin na napalapit na pala tayo sa isa't isa ng hindi natin napapansin. Na ang mga puso natin ay bumuo ng isa pang malaking puso na naguugnay sa bawat kaluluwa natin. Binigyan tayo para maunawaan natin ng lubos na kahit ilang buwan na lang at aalis na kami ay gagawa at gagawa ang tadhana ng paraan para iparating na mahaba pa ang dalawang buwan, madami pang mangyayari. Huwag sayangin ang bawat oras, minuto, segundo. “Time Check! It’s 12:00 Noon.” Impake time.Magaawarding na. Kabado na. Parang makakaalpas ang puso ko sa dibdib ko. Pero hinga.Hinga Hinga. Hinga. Hay....... SMILE:) TARA NA.
:)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento