Powered By Blogger

Linggo, Abril 15, 2012

Conversation Change Things...

Lakad sina juan at pedro...

Pedro: *Kagat sa tinapay* Juan bakit ba ang gulo ng buhay.? Pag minsan kung kelan ka masaya saka naman may darating na problema. Kung kelan relax ka saka may papagawa. Kung kelan mahal mo na siya di ka naman mahal?

Juan: *Kuha ng tinapay na kinagatan ni pedro sabay kagat din.* Lahat kasi ng bagay may kasalungat. Hindi yung masaya ka ngayon masaya ka na hanggang sa isang linggo. Pwedeng masaya ka ngayon malungkot ka bukas. Parang pag-ibig ang buhay pwedeng mahal ka niya ngayon pero hindi na bukas. Masakit. Mahirap pero kailangan pagdaanan.

Pedro.*Kuha ng isa pang tinapay sabay kagat.* Ang hirap maging tao anu?! Alam mo yung pakiramdam na parang wala ng natitirang lakas sayo para magpatuloy sa buhay mo.?

Juan: Yung pakiramdam mo gumuho ang mundo mo.

Pedro: Na ilang minuto na lang bibigay na ang dalwa mong paa.

Juan: At titigil sa pagtibok ang malaki mong puso.

Pedro.Yung mga oras na Nasira ang pamilya mo.

Juan: Nanlalake ang tatay mo. Pinamigay ka na ng nanay mo kahit 18 years old ka na.

Pedro: Pinagpalit ka sa tomboy ng magaling mong syota.

Juan. Wala nang paa si bantay.

Pedro: Wala nang mata si muning

Juan:: Pero minsan tayo din gumagawa ng sarili nating katangahan eeh. Tulad na lang ni nanay bumili ng ref wala namang ilalaman.

Pedro: Yung tito ko bumili ng T.V kinabukasan naputulan ng kuryente.

Juan: Si kuya bumili ng sim wala namang cellphone. Si ate nagtinda ng libro nung isang linggo tapos binili ulit kanina.

Pedro: Haaayy... tao nga naman likas na tanga.*Singhot ng sipon sabay lunok*  Juan matanung ko lang bakit inantay mo mahulog yung bunga nung puno kung pwede mo namang kunin na lang ito?

Juan: Kasi alam mo brad may mga bagay talaga na di mo kailangan sapilitang kunin. Minsan kelangan mo maghintay kung para sayo talaga ito.

Pedro: Paano kung sa pagiintay mo nakatulog ka at hindi mo namalayang kinukuha na ng iba.?

Juan:  Kung magising ka at hindi pa nakukuha well ipaglaban mo. Pero pag nagising ka at nakuha na siya. Hayaan mo na. Darating yung araw na mauubos din siya at magiging ebak at magiging pataba sa lupa na magpapatubo ng mga bagong bunga na maaaring mas masarap at  mas malasa kaysa sa una.

Pedro: Yung bungang ma mabilis mahuhulog sayo kasi para sayo talaga siya.

Juan: *Kamot sa pwet* OO. Yung bunga na mas magpapasaya sayo na magbibigay ng kalusugan at kabusugan sa buhay mo.

Pedro: Pero may mga bagay na talagang dapat gumawa ka ng paraan para makuha mo kasi maaaring iniintay ka na lang niya pero iniintay mo din siya. Intayan na lang kayo? walang mangyayari.

Juan: *natulala*

Pedro: Minsan kasi may mga bunga na talagang kinukuha. Mga bunga na nalalaglag lang kapag bulok na. at May mga bunga na masyadong masakit pag nalaglagan ka. Kaya dapat gumawa ka ng paraan kung paano siya sasaluhin ng hindi siya masasaktan at hindi ka masasaktan.

Juan: *Hithit ng yosi* *Buga* Oh ito bayad ko.. * bayad ng beinte*

Pedro: Wala ka bang dos jan?

Juan: Tamo ka. Binayadan kita ng sobra humihingi ka pa ng dagdag.

Pedro: *nagets*  Humihingi lang naman ako ng dagdag para maibalik ko sayo ng mas buo.

Juan: *Hithit* *Buga*  Alam mo pare dalwa yung mahal ko pano yun?

Pedro: *Kuha ng yosi ni juan* *Hithit* *Buga* Piliin mo yung pangalwa...

Juan: Ha? Bakit?

Pedro: Kasi di ka naman magmamahal ng isa pa kung mahal mo talaga yung una.

Juan: Masasaktan yung una?!

Pedro: Wala namang hindi nasasaktan pag nagmamahal di ba? Masakit pero kailangan tanggapin. Kesa pagsabayin mo. Mas madaming masasaktan. Mas madadaming luluha.

Juan: Pano pag sinaktan ako nung pangalwa?

Pedro: Bahala ka na! hahahaha *Kuha ng beer sa ref*

Pedro: O beer.* abot kay juan* *laklak* *lumod* Ahhhhh... Pare. Paano kung dumating yung oras na hawak mo ang isang bagay tapos may nakita kang mas maganda. pero ayaw mo bitawan yung una. kasi mas mahal mo.

Juan: Ganto lang yan: Huwag mong bibitwan ang bagay na alam mong di mo kayang makitang hawak ng iba.
Huwag mo namang hahawakan kung alam mong bibitawan mo lang. At huwag na huwag kang hahawak pag alam mong may hawak ka na.

Pedro: *Buntong hininga*

to be continued...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento