Malapit na daw magunaw ang mundo. Siguro nga. Malapit na ang dulo ng
akala nati’y walang hanggan. Malapit na ang tuldok ng napakahabang kathang
binuo ng mga puso natin. Isang mundong hindi karapat-dapat tibagin subalit
kailangan. Mundong binuo ng mga maliliit pa nating mundo. Parang isang malaking
pusong binuo ng mga puso nating pinagtagpi-tagpi. Mahigit-kumulang 3 buwan na
lamang. Pero tila ayoko pang bumitaw sa isang mahigpit na pagkakahawak. Alam ko
ikaw din.
Naramdaman ko na naman na hindi ako nag-iisa. Ang simpleng gago na
dati’y iyaking matabang bata ay nakahanap na ng masisilungan sa bawat panahong
papatak ang ulan. Nakakita na ng panyong papahid sa bawat luhang iniiwasang
pumatak at sa sipong hindi mapigil sa pagtulo. “Sa piling ng mga BALIW ngunit
BALIW MAN ay may PUSO”
Ang sarap balikan ng mga panahong nasa unahan sina John Mark, at Nikko.
Tuwang-tuwa ang bawat isang nanunuod sa patalbugan ng dalawa na tila hindi
nakikita ang mga tao sa kanilang paligid. Sayaw.Kanta.Singit Yung Isa. Tawa
yung iba. “HAHAHA” nakinig ko na naman ang tawa ni incez. Ang tawa na hindi
pumalpak magpangiti sa akin sa tuwing nakikinig ko. Sa pagbaling ng ulo ay ang
masayang kalokohan ng DRC ang tumambad sa akin. Bulung-bulungan. Chikahan.
Hindi ko malaman kung anong iniisip nila pero pagnagbulungan sila at malapit
ako, para bang pakiramdam ko ako yung pinaguusapan.
Nag-uli ako ng DOST 2. DOST na luma pero patuloy na nagiging bago at
sariwa sa mga puso namin. Isang maliit na kwarto subalit isang malaking tahanan
na pinatibay ng maraming haligi at pundasyon. Mukhang magigiba pero patuloy na
nakatayo. Bricks, bato. Gawa daw diyan ang DOST pero sa loob ng bawat bato ay
luhang pinatulo, pawis na ikinayat, ngiting ninamnam at tawang itinanim ng
bawat isang taong nanahan sa lugar na ito.
Sa isang sulok ay ang tahimik na pagbabasa ng libro ni Ate Joyce at
Brigette. Paglalaro sa cellphone nina Jazz at Adrian at pagrerebyu sa math ni
Jueann. ABJ3. Parang lapis na binali ng kauntian ng panahon pero tinasahan at
gumawa ng mas magandang samahan. Ngayong kumpleto at magkakasama na sila sa
isang tahanan. Alam kong patuloy na mapapatulis ang lapis na susulat sa puso ng
bawat isa sa kanila. Mapahi man ay may marka.
Binabanas ako. Lumalala na ang global warming. Magugunaw na nga yata ang
mundo. Paglabas ko ng silid ay naaninag
ng mata ang masarap na kwentuhan ng 1-2-3-4-5-6-7 na kay tagal kong hinintay
ang opisyal na pangalan ng kanilang grupo. VASE to CHUGS CHUGS to
1-2-3-4-5-6-7. Sina Angie, Mariz, Julie, Shaina, Vivien, Paui, Euan na laging
kasama sa malalakas na trip. Silang pito na tila may sariling mundo. Silang
magaganda na ay nagpapaganda pa. Normal ba talaga yun sa isip dalaga? Mababaw
man ang kasiyahan masaya naman ang puso. Baliw man ay laman.
*Click* *Click* *Click* Nakakasilaw ang flash. Sa pagpanaw ng maliwanag
na ilaw na tila bumubulag sa aking mga mata ay ang paglitaw unti-unti ng imahe
ng 5 malaanghel sa iba’t ibang paraan. Ang JARAKENA na bahagya mang nabawasan
ay unti-unti din namang dinadagdagan ng tadhana. Tadhanang hindi ko alam kung
nananadya na masaktan ang mga puso? Sina Jana, Radylene, Nina na naiwan ng isa
sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay natutong sumabay sa alon ng buhay
kasama ng mga bagong taong tinawag na kaibigan sa katauhan nina Czam at Nene.
Silang lima na pinagsama ng biglaan. Hindi inaasahan. Hindi inaakala. Kusang
dumadating ang mga dahilan ng pagsaya ng puso. :)
“Naruto.Sket Dance. One piece!”
Ayan. Narinig ko na naman ang ilan sa pinakanakakaOP na mga topic. Konti lang
kasi ang alam ko sa anime. Kung hindi dragonball, naruto. Pag hindi yu-gi-oh,
pokemon ang trip. Mahirap nga naman makihalubilo sa mga taong parang alien na
sasakupin ang mundo pagdating ng araw tapos gagawing testing area ng
pinakamalalakas nilang nuclear bomb. Pero ewan ko kung bakit nagkakaintindihan
kami ng mga taong ito. Si Gane na hiraman ng dakilang stapler na hindi
kailanman mawawala sa history ng pagiging ARV. Si Meanne at si Leonideth, ang
magkaibigang putik na minsan hindi ko malaman kung matino pa ba o hindi? Kung
babae pa ba o maton lang talaga. At Si Lea, na isa sa pinakamalaki ang parte
(dahil siya ang RP partner at EL FILI partner ko siya. ) sa ikaapat na taon ko sa isang bilangguan
kung saan nakatagpo ako ng mga alien. Mga alieng himalang naiintindihan ko. Mga
alien man pero kaibigan.
Sa pag-uuli ko malapit sa room ng
research, nakita ko si Alexis at si Russel. Silang dalwa na parang magsyota
pero hindi. Hindi talaga pwede. Si alexis na walang oras na hindi ako naasar sa
simpleng galaw niya pero .nakasanayan ko na lang din. Si russel, na naging
malaking bahagi ng pagkabuo at pagtatagumpay ng mga VIPERAS at hindi nang-iwan.
Kung mangyaring nang-iwan man ay bumabalik din. Ganun talaga. Dinadala ng agos
ang isang bagay sa dapat nitong kalagyan. Kung saan magiging mapayapa ang alon
at maayos ang ikot ng mundo.
Sa likod ng kaingayan na bumabasag
sa malaki kong eardrums, ay ang katahimikang lalong bumabasag naman sa eardrums
ng kaluluwa ko kung meron man. Ang katahimikang nakita ko sa ngiti ng isang
anghel at sa pangalan niyang ANGEL Ang anghel na anghel sa kilos pero sa totoo
ay isang anghel na nagiingay, makababa lang ng lupa. Sa ilalim ng langit ng
anghel ay ang pananahan ng isang misteryosong nilalang na lagi kong gustong
paimbestigahan kay Detective Conan, si JOAN.
Sa likod ng bawat ganda ng sayaw ay
ang pinipilit itago na kalungkutan sa bawat galaw. Sa likod ng matatamis na
ngiti ng isang Hilary ay isang malalim na pag-ibig na palagi niyang inaasam.
Hindi man nakikita ng birheng mata ay nararamdaman naman ng sanay na puso.
Sa hindi kalayuang banda. Sa may
pergola ay ang masayang awitan ng isang grupong naging mundo ko sa isa pang
malaking mundo. Tatlo naging Apat. Ang apat naging Anim. Anim na gagong
pinagsamasama ng kaniya-kaniyang kagaguhan pero Gago man ay may puso. Anim na
baliw na piangdugtong ang kani-kanilang pusong nasugatan. Hindi lang isang
beses kundi madaming ulit. Ang mga pusong sugatang ginamot ng kanya-kanyang
kabaliwan. Isang grupong hindi maiiwasang ngumiti sa buong araw. Si Carlo, si
Mark Roe, si Andrew at si Cydrick. Ang CMAC na ngayo’y dinagdagan ni Eman at
Cian. Isang pahiwatig na laganap na ang maginoong bastos sa mundo. Ang mga
berdeng utak na hindi malaman kung saan ang lulugaran sa nakaraan pero mananakop
ng madami pang isip sa kasulukuya at sa kinabukasan. Silang anim na pinagbuklod
ng oras at ng tadhana. CMAC-CE. Ang Generation Z.
Ilang buwan na lang, magugunaw na
ang mundo. Ilang signos na lang ang hinihintay. Js, Seniors Day, 4th
Quarterly exams, NAT. Ilang senyales na lang matitibag na ang mundo.
Magwawakas. Maglalaho. Madidissolve.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento