Powered By Blogger

Sabado, Hulyo 7, 2012

Bakit kailangan ko sundin ang batas?



Law is order, and good law is good order.
-ARISTOTLE


    BATAS. Sa buhay natin tayo yung calculator at ang buhay ang math problem at ang batas ang mga equation. Kung susundin natin ang tamang equation makukuha natin ang tamang sagot. Pero sa bilog na lumulutang sa kalawakan at tinatawag nating mundo, hindi maiiwasan ang mandaraya. Sila yung mga taong nakakapagtakang hindi sumunod sa equation pero nakakakuha parin ng tamang sagot. Mga pinagbibigyan? Bakit pagbibigyan? Kasi may kapangyarihan...

    Importante ba talaga ang batas? Maraming nagtatanung niyan.. Para sa akin, Oo. Napakaimportante ng batas. Pero mas importante na may parusa ang lalabag sa batas. Walang kwenta ang batas kung walang parusa. Ang batas ang nagpapanatili ng katinuan sa bawat mamamayan. Ito ang nagpapatunay na maraming tao pa din ang may takot. May takot na maparusahan. Ito din ang nagpapanatili ng kaayusan sa mundo. Kung wala nito maaaring sa loob ng isang araw maraming patayan, maraming kaguluhan, maraming masasaktan. Kung walang batas na bawal umihi kung saan-saan, maaaring isang masalimuot at mabaho ang mundong ito. Kung walang batas na bawal ang overspeeding, siguro maraming maaksidente. Paano kung walang batas na bawal magtapon ng basura kung saan-saan? Siguro isang malaking basurahan ang planetang ito. Batas ang isa sa mga bagay na nagpapaikot sa mundong kinatatayuan natin. Limang letra ngunit napakadami ng nagagawa.

      Tatlong uri ng batas? Ano nga ba iyon? Madami na atang nakakalimot. Una, ang Batas na ginawa ng tinatawag nating Diyos, ang Divine Law. Sa sarili ko, hindi ko alam ang mas pinalawak na kahulugan ng Divine Law. Ang alam ko lang ay ito ang pinakamataas na batas at batayan ng lahat ng batas sa mundo. Ayon sa makabagong encyclopedia o kilala bilang internet, ito daw ay binubuo ng 2 pinakamataas na utos. "Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo." at
"Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili." Ikalawa, ang partisipasyon ng tao sa Batas ng Diyos, ang Natural Law o ang Batas ng Kalikasan. Dito pumapasok ang Sampung utos ng Diyos dahil ito daw ay galing sa simulain ng Natural Law dahil ang mga utos ay ayon sa kalikasan ng tao. Isa ito sa dahilan kung bakit madaming makasalanang tao. Bakit? Kasi kahit gaano tayo kabuti mahirap sundin ang lahat ng utos ng Diyos lalo na ang ikawalo. "Wag kang magbibintang at magsisinungaling". Yun nga ata yun. Dahil sa tingin ko walang taong hindi nagsisinungaling. Ang huli ay ang Positive Law. Ito ang batas na ipinagtibay ng lipunan o ng isang bansa. Sa aking pagkakaintindi, ito yung mga batas na nilikha ng mga tao. Mga batas na ang kaparusahan ay makulong o magmulta ng limang daang piso. Mga batas upang maiwasan ang gulo sa mundo sa lupa.

        Bakit nga ba dapat kong sundin ang batas? Kung ang batas ay makakapagpabagal lang sa mga gusto kong makuha? Kung ang batas ay hadlang lamang sa mga kagustuhan ko? Siguro, dahil mas maraming makakahadlang sa akin kung wala ang mga batas na ito. Baka dahil sa batas na ito nabubuhay pa din ako ngayon kasama ang mga mahal ko sa buhay. Maaaring ang batas na ito ang magtuturo sa akin ng pinakamalayo at pinakamatagal lakbaying daan patungo sa pangarap at pagunlad pero ligtas at magiging masaya ang biyahe. Kayo? Susunod ba o susuway?? :)


1 komento: