Powered By Blogger

Sabado, Nobyembre 24, 2012

alaala.


Akala ko hindi kita kayang iwanan. Akala ko hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa akin. Dati sabi ko hinding-hindi kita bibitawan kahit anong mangyari. Sabi ko hindi kita ipagpapalit. Akala ko kaya ko. Akala ko lang pala. Ngayon, isa ka na lang alaala. Isa kang magandang alaala.
                Sinilip kita sa dating tagpuan kung saan kita madalas Makita. Wala ka na doon. Bigla ka lang sumagi sa aking isipan kaya siguro dinala ako ng mga paa ko doon. Naalala mo ba noong una kitang nakilala? Tanda ko pa noon, pinakilala ka sa akin nina nanay at tatay noong bata pa ako. Sabi nila ikaw daw ang magpapasaya sa akin. Tama naman sila. Ikaw nga. Ikaw na lagi kong kasama simula pagkabata. Ikaw na una kong kaibigan. Ikaw na laging nandyan para palitan ang bawat luha ng abot langit na ngiti. Maghapon tayong naglalaro. Maghapon mo akong nililibang at pinapasaya.
                Madalas tayong pagalitan nina nanay noon kasi wala daw tayong inatupag kun’di ang maglaro. Madalas kang itago sa akin nila kasi hindi ako natutulog pag nandiyan ka. Masama daw palang lagi kitang kasama. Pero hindi natin pinansin yun.
                Dati, pag naaasar ako, ikaw yung pinagtutuunan ko ng galit ko. Ikaw ang sinusuntok ko. Ikaw ang binabalibag ko pero hindi ka pa din umiimik. Lagi mo akong iniintindi. Pero sa kabilang parte ng istorya, ikaw pa din ang hinahanap ko sa umaga pagkagising ko. Hindi ako nakahingi ng tawad sa’yo nun. Pasensya na ha!? Hindi ko alam ang ginagawa ko noon eh. Bati na tayo ha?!
                Siya nga pala! Salamat ha!? Salamat sa pagtuturo mo sa akin. Ng ano? Tinuruan mo akong magmahal , pahalagahan  at ingatan ang mga bagay na importante sa’yo. Baka hindi mo alam sobra sobra kitang pinahahalagahan. Gaano ka kahalaga? Hindi ko na masukat eh.
                Hindi mo ako iniwan. Hindi ka nabigong pasayahin ako. Hindi ka bumitaw. Pero lumilipas ang panahon at hindi na tayo masyadong nagkakasama. Hindi na tayo nakakapagkulitan tulad ng dati. Hindi na tayo nakakapaglibang ng sobra. Hindi na kita masyadong nakikita. Masyado na akong naging busy eh. Pasensya ka na kung naiwan kita. Pasensya ka na kung hindi ko napansin na nawala ka napala sa akin. Pero alam ko naman na nadyan ka lang, malapit sa akin. Dahil dadating ang panahon at hahanapin kita at ipakikilala sa mga magiging anak ko. Para turuan mo din sila ng mga bagay na itinuro mo sa akin. Para mapasaya mo din sila tulad ng pagpapasaya mo sakin. Hinding hindi ka maaalis sa isip at puso ko mahal kong LARUAN. Ikaw ang nagbigay kulay sa mundo ko bilang bata. Ikaw na ngayo’y isang alaala. Ikaw na isang napakagandang alaala.  

Sabado, Hulyo 28, 2012

Para sayo. tamaan ka sana Gago.:)



KKSP ( Kaklaseng Kulang Sa Pansin )

Hindi talaga mawawalan ng epal na kaklase. Yung mga kaklaseng malakas mang agaw ng atensyon ng guro. Yung tipong kada salita ng guro eh may side comment siya. Alam mo yun? Yung parang gustong mag stand out na wala naman papatunayan. Pinapakita lang gaano siya ka hipokritong bata. Hindi mo alam kung gustong sumipsip o mag-iwan ng marka sa guro para magkaroon ng isang estudyanteng bagsak. 
Hindi mo alam kung ano trip gawin sa klase, gustong magpapansin. Siguro walang pumapansin sa bahay nila. Nakakawala lang ng focus, kapag kada salita eh may komento at talagang malakas pa ang boses. Hindi ka nakakatawa. Bigyan kitang piso. Hanap ka ng papansin sayo. Sarap tampalin sa mukha eh.
Pa bibo, bobo naman.
Pahanga, tanga naman.

Thanks to:
www.matabangutak.tumblr.com 

Sabado, Hulyo 7, 2012

Bakit kailangan ko sundin ang batas?



Law is order, and good law is good order.
-ARISTOTLE


    BATAS. Sa buhay natin tayo yung calculator at ang buhay ang math problem at ang batas ang mga equation. Kung susundin natin ang tamang equation makukuha natin ang tamang sagot. Pero sa bilog na lumulutang sa kalawakan at tinatawag nating mundo, hindi maiiwasan ang mandaraya. Sila yung mga taong nakakapagtakang hindi sumunod sa equation pero nakakakuha parin ng tamang sagot. Mga pinagbibigyan? Bakit pagbibigyan? Kasi may kapangyarihan...

    Importante ba talaga ang batas? Maraming nagtatanung niyan.. Para sa akin, Oo. Napakaimportante ng batas. Pero mas importante na may parusa ang lalabag sa batas. Walang kwenta ang batas kung walang parusa. Ang batas ang nagpapanatili ng katinuan sa bawat mamamayan. Ito ang nagpapatunay na maraming tao pa din ang may takot. May takot na maparusahan. Ito din ang nagpapanatili ng kaayusan sa mundo. Kung wala nito maaaring sa loob ng isang araw maraming patayan, maraming kaguluhan, maraming masasaktan. Kung walang batas na bawal umihi kung saan-saan, maaaring isang masalimuot at mabaho ang mundong ito. Kung walang batas na bawal ang overspeeding, siguro maraming maaksidente. Paano kung walang batas na bawal magtapon ng basura kung saan-saan? Siguro isang malaking basurahan ang planetang ito. Batas ang isa sa mga bagay na nagpapaikot sa mundong kinatatayuan natin. Limang letra ngunit napakadami ng nagagawa.

      Tatlong uri ng batas? Ano nga ba iyon? Madami na atang nakakalimot. Una, ang Batas na ginawa ng tinatawag nating Diyos, ang Divine Law. Sa sarili ko, hindi ko alam ang mas pinalawak na kahulugan ng Divine Law. Ang alam ko lang ay ito ang pinakamataas na batas at batayan ng lahat ng batas sa mundo. Ayon sa makabagong encyclopedia o kilala bilang internet, ito daw ay binubuo ng 2 pinakamataas na utos. "Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo." at
"Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili." Ikalawa, ang partisipasyon ng tao sa Batas ng Diyos, ang Natural Law o ang Batas ng Kalikasan. Dito pumapasok ang Sampung utos ng Diyos dahil ito daw ay galing sa simulain ng Natural Law dahil ang mga utos ay ayon sa kalikasan ng tao. Isa ito sa dahilan kung bakit madaming makasalanang tao. Bakit? Kasi kahit gaano tayo kabuti mahirap sundin ang lahat ng utos ng Diyos lalo na ang ikawalo. "Wag kang magbibintang at magsisinungaling". Yun nga ata yun. Dahil sa tingin ko walang taong hindi nagsisinungaling. Ang huli ay ang Positive Law. Ito ang batas na ipinagtibay ng lipunan o ng isang bansa. Sa aking pagkakaintindi, ito yung mga batas na nilikha ng mga tao. Mga batas na ang kaparusahan ay makulong o magmulta ng limang daang piso. Mga batas upang maiwasan ang gulo sa mundo sa lupa.

        Bakit nga ba dapat kong sundin ang batas? Kung ang batas ay makakapagpabagal lang sa mga gusto kong makuha? Kung ang batas ay hadlang lamang sa mga kagustuhan ko? Siguro, dahil mas maraming makakahadlang sa akin kung wala ang mga batas na ito. Baka dahil sa batas na ito nabubuhay pa din ako ngayon kasama ang mga mahal ko sa buhay. Maaaring ang batas na ito ang magtuturo sa akin ng pinakamalayo at pinakamatagal lakbaying daan patungo sa pangarap at pagunlad pero ligtas at magiging masaya ang biyahe. Kayo? Susunod ba o susuway?? :)


Hard question!

 "what will you choose, taong mahal mo o kaibigan mo?"

      Marami na kong natanong tungkol dito... Iba-ibang sagot.. Iba-ibang opinyon... NAKAKALITO.

"iwan mo parehas kasi lalo ka lang mahihirapan pag pinili mo ang isa atleast pag iniwan mo sila parehas tapos ang usap wala nang nagyare. "
-Rombert

  Pag iniwan mo parehas, parang sinabi mo na mas mabuting mag-isa ako. Parang sinabi mo na ayos lang na itakwil ko ang buong mundo ko. Parang pinili mong maging mongoloid na may sariling mundo. Pero sa puso mo umaasa ka na pag iniwan mo sila may isang susunod sayo at hindi ka matitiis mag-isa. Lahat naman kaya mag-isa e, yun nga lang ang tanung hanggang kelan? Tsaka, pati mongoloid kelangan ng mag-aalaga noh?

   Sabi nga sa HEAVEN KNOWS ni RICK PRICE "if you really love her, you've gotta set her free... and if she returns in kind i'll know she's mine." May babalik, kung wala man... may bagong darating..
Sabi nga ni popoy sa ONE MORE CHANCE... "na baka kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin, kasi may bagong darating... yung mas okay..yung mas mamahalin tayo..."

"Yung taong mahal ko... kasi kahit iwan mo man yang mga kaibigan mo, kung tunay silang kaibigan di yan mawawala.
-Gelaa

Yung taong mahal mo na bumubuo ng araw mo.Yung taong ginawa mong mundo. Yung taong pag kasama mo, kinakalimutan mong may ibang tao sa paligid. Yung lahat ng problema nawawala pag nandiyan siya. Yung mahal mong minamahal ka. Yun ang pipiliin mo dahil nakumbinsi ka nung kowt sa taas??:))


"Kapag pinili mo yung taong mahal mo... Nandiyan nga siya para mahalin ka pero hindi niya maiiwasang saktan ka at paiyakin. At pinakamasaklap, nandiyan siya para iwan ka balang araw"
-Cristel

Masaya ka nga sa piling ng taong mahal mo pero hanggang kelan?? Hanggang hindi ka pa nasasaktan? Hanggang hindi ka pa niya iniiwan? Hanggang hindi ka pa niya pinapaiyak?? Marami magsasabi na "talagang ganun, pag nagmahal ka kasi dapat handa kang masaktan, dapat handa kang umiyak."
Oo. tama yung statement. Yan yung statement na nagpagulo na din sa utak mo ngayon di ba??

"Kaibigan, kasi hindi ka niyan iiwan. Ang mahal mo pede mo pa paltan yun.. Pwede ka pa magmahal ng iba ng katulad ng pagmamahal mo sa kanya.. Hindi naman siya ang buong mundo diba? ikaw na din may sabi.. Hindi lang umiikot ang buong mundo sa isa, dalwa o ilan tao lang.."
-ANDREW

   Nabago na naman ba ang opinyon mo dahil sa panibagong kowt na nabasa mo?? :) Isipin mo.. Kahit na madapa ka... Kahit na umiyak ka... Kahit na iwan ka nilang lahat.. Tatakbo ang oras at iikot ang mundo.Nasayo ang desisyon. Kapag sumama ka sa mga kabigan mo...ano bang mangyayari.? Pag sumama ka sa mahal mo anu rin bang mangyayari? wag na wag mong papaikutin ang mundo mo sa isang tao o ilang tao kasi unang-una, ikaw ang masasaktan pag nawala sila. At pangalawa dahil hindi naman talaga kaya umikot ng mundo sa tao.

"Yung O? Lel. Mhrap kaso I go with Friends. :D Minsan kasi yung taong mahal ntin hindi nman tayo mhal ee at madali tayong saktan. Eh yung mga kaibigan ntn . mahal tayo nun , hndi ppyag na tayo ai masktan . Wushuuu. XD"
-Paui

Nakukumbinsi ka na ba na piliin ang mga kaibigan mo?? Depende din pala yun sa mahal mo.. Pwedeng mahal mo, mahal ka din.. pero sa kabilang side meron pa ding bka mahal mo, di ka naman mahal. Pero sure din ba tayo kung mahal ba talaga tayo ng kaibigan natin?? Maaaring oo... Maaaring hindi...Maaaring mahal nila tayo pag may kelangan sila pero pag tayo ang may kailangan nawawala sila.. Hindi tayo sigurado kung hindi sila papayag na masaktan tayo pedeng isa sila sa mga taong nakangiti pero may patalim na kapit sa likod.

"Ahmmm.. Siguro yung taong mahal ko. Hindi naman sa dinisregard ko na agad yung mga friends ko kaya lang syiempre lahat nman tayo kelangan ng taong mamahalin at taong magmamahal sa atin di ba? If you found the one don't ever think to let him/her go or else you'll miss the reason of being alive"
-Hilary

Reason of being alive.... Is that the so called LOVE?? Maaaring once in a lifetime nga tong tinatawag nilang Love.. Tama nga bang hindi na to palampasin kahit na masakit?? Kahit na masakit, at least napapasaya ka pa din nman.. Tama bang kahit pinapaiyak ka nitong love na to ayos lang kasi napapaltan din naman ng kilig at ngiti?? Paalala: May dalwang love..  ang TRUE  at ang FALSE LOVE or the thing called INFATUATION.

ALL I CAN SAY:
  •  ISIPIN MO NA LANG LAHAT NG PWEDENG GAWIN NG KAIBIGAN SAYO MAAARI DIN GAWIN SAYO NG MAHAL MO, AT LAHAT NG KAYANG GAWIN SAYO NG MAHAL MO KAYANG-KAYA DIN NG TROPA MO.
  • PILIIN MO KUNG SAAN KA SASAYA HINDI KUNG SAAN KA SISIKAT.
  • CHOOSE THE ONE THAT WILL MAKE YOU CRY BECAUSE OF LAUGHTER.
  • CHOOSE WISELY DUDE! ;)

OTHER OPINIONS:
Angie-Piliin mo kung sino yung laging andyan para sayo.. HIRAAAAP. :)
Jemma- friends nlang!!!pra hndi ka masaktan!!
Kaeremon- you can consider your friends as taong mahal mo.
Czam- Pero you can also consider your loved one as your friend, partner, etc.. Puhhrung All in One.
Eman- Ay naku. kaya ko ipagpalit lahat para sa love.. Di naman lahat. pala:))
Luz- but you should also be worthy of choosing. kasi kung nahihirapan kang mamili between people with great worth, kailangan ikw great dn ang worth. kaya ingat. bka kasi piliin ng taong mahal mo yung mga kaibigan mo. :D





Biyernes, Hulyo 6, 2012

MOVE ON KA NA BA??

"Paano mo makikita ang taong magpapangiti sa'yo, kung laging nakapikit ang mga mata mo kakaiyak sa maling tao."

Masakit, mahirap... pero sa huli, it will all be worth it.
Diyan nagsisimula ang pagmomove-on diba? Ang tanung:
NGAYON?? MASAKIT PA BA?
Mahirap sagutin? ito nalang...

1. Nasasaktan ka ba pag may kasama siyang iba?
2. Napapangiti ka ba kapag bigla mo siyang naaalala?
3. Natutunganga ka ba kapag napapadaan ka sa mga lugar na kung saan dati kayong magksama?
4. Umaasa ka pa rin ba na ang 'new message' sa cellphone mo ay siya ang nagtxt?
5. Tinatago mo pa din ba lahat ng alaala niyo sa kwarto mo?
6. Nasa phone mo pa din ba ang mga txts at alaala niya sa phone mo?
7. Natutulala ka pa din ba kapag nakikinig mo ang mga kantang minsan niyo kinanta?
8. Napapalingon ka pa din ba kapag nakinig mo pangalan niya?
9. Naiisip mo pa din ba siya kahit araw-araw?
10. Nanghihinayang ka pa ba sa KAYO dati?

Kung tunay na OO lahat ng sagot mo, then keep trying..makakamove-on ka din.
Kung HINDI na talaga at totoo ka sa sarili mo, Congrats dude!! MOve on ka na!! 

Kung matapang ka, aaminin mo na OO lahat ang sagot mo. Pero kung masyado kang mahina para tanggapin ang katotohanan na hindi ka pa move-on isasagot mo HINDI...

Oh ano? MOVE ON KA NA BA???

Note: Madali lokohin ang ibang tao... pinakamahirap lokohin ang sarili mo.:)

Huwebes, Mayo 3, 2012

what to do next?

MOVE ON.Just two words pero bkt ang hirap gawin.?

Paano nga ba magmove on...

-sa taong minsan naging mundo mo...
-yung minsang hinatid-sundo mo?
-yung minsan nakasabay mo sa paglalakad habang hawak-hawak niyo ang kamay ng isa't isa.
-yung ngumingiti sayo at pakiramdam mo wala ka nang problema.
-isang nilalang na kumempleto ng mga araw mo.
-yung someone na inimagine mong makakasama mo sa future at forever?

Minsan nakakatuwa na lang isipin na...
-Yung dating kasama mo sa sumpaan "ako'y sayo't ika'y akin lamang"
-yung akala mong di ka iiwan ay nawala na lang ng parang si elisa.
-yung taong dating laging mong katxt... ngaun hanggang GM na lang.
-yung taong dating pinagsisigawan mong mahal mo...na ngayon ay halos di mo maimik ang pangalan.
-Dating hinahatid mo...dinadaanan mo na lang ngayon.
-Yung dating espesyal na tao ngayon naging ordinaryo.
-at yung dating bumuo ng mundo mo...ngayo'y may bagong mundo.


Mali bang...
- paminsan-minsan alalahanin ang mga kantang dati nyong kinakanta.?
- mali bang mapangiti sa twing dadaan ka sa mga lugar na naging parte ng masarap niyong samahan?
- maisip yung kakulitan..
           *yung away-bati
           *yung asaran
           *yung mga problemang pinagdaanan niyo
           *yung selosan
           *yung suyuan.
           *yung I MISS YOU
           *yung I LOVE YOU.

Tanga na ba agad pag Nanghinayang ka?
Bobo na ba agad pagnaghabol ka.?
Epal na ba agad pag nagselos ka pag may iba na siya?

MAHIRAP??MASAKIT??

ganyan talaga dude.

Sguro naiicp m na sana parang computer na lang ang buhay pag may kelangan kalimutan at burahin isang click mo lang wala na.. pero hindi eeh...

Kung pwede bang kalimutan na lang siya agad-agad...gagawin mo naman di ba?

eh pano magagawa eh mahal mo nga??

Pero think of it.. Sino nga bang tao ang gusto magmahal ng taong di na siya mahal??\

NAISIP ko na naman talagang kalimutan siya eeh.. 

NAISIP ko nga lang.. Di ko MAGAWA XD DANG!

Siguro lahat ng nasa ganitong sitwasyon humiling na....
-sana gasing lakas mo na lang ako na kalimutan agad lahat,
-sana ganun na lang kadali para sakin itapon ang lahat
-sana naman may pag-asa pa.
-sana bumalik pa sya.
-sana hindi to puro sana.

Ang plastic nman siguro pag sinabi mong  hindi ka naasa na pde pa ibalik dba?

Haaaay..!! buhay... parang life!...

Siguro tama nga na ang Moving on ay parang pagdadiet.. kahit ilang beses mong sabhin na magda-Diet ka.. ang hirap gawin di ba?? :')

Sorry for wasting your time pero i really don't know what to do next. thanks for the few minutes :)

Martes, Abril 17, 2012

Conversation Change Things...Part 2

*naglalakad pauwi ang magkaibigan.*

Juan: Alam mo brad ang sakit pala pag iniwan ka.

Pedro: lalo na kung yung nag-iwan sayo ay yung taong di mo inaasahang iiwanan ka.

Juan: Masakit din pag ang nang-iwan sayo yung taong minahal mo ng sobra.

Pedro: pero tingin ko pinakamasakit ay iwanan ka nung taong nakasanayan mo kasama.

Juan: Onga anu? Yung tipong araw-araw  kayong magkatxt.Magkadikit.magkakwentuhan.

Pedro: Tapos one day mawawala na lang siya na parang bula.

Juan: Pakiramdam mo pinagsakluban ka ng langit at lupa.

Pedro: At feeling mo bawat araw na lumilipas parang laging kulang.

Juan: *bili ng coke.* *higop* Lagok* Parang softdrinks din kasi yan eeh.Naglalakad ka habang iniinom mo maya-maya di mo namalayan ubos na pala.Wala na.

Pedro: Di nman importante kung hanggang saan o kelan nagsimula ang mahalaga na-enjoy mo nung nanjan pa.

Juan: Nanghihinayang nga ako eeh. Kung maibabalik ko lang yung coke at mainom ulit.

Pedro: Alam mo Juan wag ka manghinayang sa mga bagay na nagawa mo na. Manghinayang ka sa mga bagay na hindi mo nagawa nung may oras ka. Tulad kanina. Kung inunti-unti mo yung pag-inom edi sana di agad naubos.

Juan: Maiba ako pedro balita ko balak mo tumigil ng pag-aaral ah..

Pedro: Oo nga e. Wala na kasing pabaon si nanay. Ako nalang titigil kesa ung mga kapatid ko.

Juan: *Kamot sa ulo* alam mo brad. 2 dekada ka lang mag-aaral. Pag tumigil ka 5 dekadang paghihirap ang kapalit. Laking Lugi diba? Kung wala ng pampabaon nanay mo sayu edi ikaw dumiskarte. *kanta ng antukin* "Kung ayaw may dahilan kung gusto palaging merong paraan"

Pedro: Awan ko na...

*Kinabukassan* *Nagkita ang dalwa sa mall*

Juan: Oh pedro parang papel na ginusumot ang mukha mo ah. Anu nangyari?Basted ka?

Pedro: Baliw! Paano pag alam mong ikaw na ung kasunod sa pila pero nauna pa ung nasa likod mo kasi mas pogi sayu anu gagawin mo?

Juan:  Ahmm. maghihintay ako?

Pedro: Ha? Bakit? Eh ikaw na nakaschedule eeh.!

Juan: Alam mo brad, kahit ikaw yung nakaschedule kailangan mo pa din magintay kasi  hindi ikaw ung priority.

Pedro:Nakakapagod kayang magintay.

Juan: Alam mo masarap mag-intay kapag may inaantay ka. Pero kung wala. well get out of the line. Ibig sabhin nun. mali ung pinilahan mo brad,.

Pedro:Pero gusto ko yung pinilahan ko.

Juan: *pila sa counter* Alam mo parang pila lang yan sa counter eeh. Pag minsan malas ka talaga na ikaw na ung kasunod saka maglalagay ng "NEXT COUNTER PLEASE." Pag nabasa mo un anung gagawin mo?

Pedro: Lilipat.

Juan. BOOOM! TUmpak!


----itutulooy :D

Linggo, Abril 15, 2012

Conversation Change Things...

Lakad sina juan at pedro...

Pedro: *Kagat sa tinapay* Juan bakit ba ang gulo ng buhay.? Pag minsan kung kelan ka masaya saka naman may darating na problema. Kung kelan relax ka saka may papagawa. Kung kelan mahal mo na siya di ka naman mahal?

Juan: *Kuha ng tinapay na kinagatan ni pedro sabay kagat din.* Lahat kasi ng bagay may kasalungat. Hindi yung masaya ka ngayon masaya ka na hanggang sa isang linggo. Pwedeng masaya ka ngayon malungkot ka bukas. Parang pag-ibig ang buhay pwedeng mahal ka niya ngayon pero hindi na bukas. Masakit. Mahirap pero kailangan pagdaanan.

Pedro.*Kuha ng isa pang tinapay sabay kagat.* Ang hirap maging tao anu?! Alam mo yung pakiramdam na parang wala ng natitirang lakas sayo para magpatuloy sa buhay mo.?

Juan: Yung pakiramdam mo gumuho ang mundo mo.

Pedro: Na ilang minuto na lang bibigay na ang dalwa mong paa.

Juan: At titigil sa pagtibok ang malaki mong puso.

Pedro.Yung mga oras na Nasira ang pamilya mo.

Juan: Nanlalake ang tatay mo. Pinamigay ka na ng nanay mo kahit 18 years old ka na.

Pedro: Pinagpalit ka sa tomboy ng magaling mong syota.

Juan. Wala nang paa si bantay.

Pedro: Wala nang mata si muning

Juan:: Pero minsan tayo din gumagawa ng sarili nating katangahan eeh. Tulad na lang ni nanay bumili ng ref wala namang ilalaman.

Pedro: Yung tito ko bumili ng T.V kinabukasan naputulan ng kuryente.

Juan: Si kuya bumili ng sim wala namang cellphone. Si ate nagtinda ng libro nung isang linggo tapos binili ulit kanina.

Pedro: Haaayy... tao nga naman likas na tanga.*Singhot ng sipon sabay lunok*  Juan matanung ko lang bakit inantay mo mahulog yung bunga nung puno kung pwede mo namang kunin na lang ito?

Juan: Kasi alam mo brad may mga bagay talaga na di mo kailangan sapilitang kunin. Minsan kelangan mo maghintay kung para sayo talaga ito.

Pedro: Paano kung sa pagiintay mo nakatulog ka at hindi mo namalayang kinukuha na ng iba.?

Juan:  Kung magising ka at hindi pa nakukuha well ipaglaban mo. Pero pag nagising ka at nakuha na siya. Hayaan mo na. Darating yung araw na mauubos din siya at magiging ebak at magiging pataba sa lupa na magpapatubo ng mga bagong bunga na maaaring mas masarap at  mas malasa kaysa sa una.

Pedro: Yung bungang ma mabilis mahuhulog sayo kasi para sayo talaga siya.

Juan: *Kamot sa pwet* OO. Yung bunga na mas magpapasaya sayo na magbibigay ng kalusugan at kabusugan sa buhay mo.

Pedro: Pero may mga bagay na talagang dapat gumawa ka ng paraan para makuha mo kasi maaaring iniintay ka na lang niya pero iniintay mo din siya. Intayan na lang kayo? walang mangyayari.

Juan: *natulala*

Pedro: Minsan kasi may mga bunga na talagang kinukuha. Mga bunga na nalalaglag lang kapag bulok na. at May mga bunga na masyadong masakit pag nalaglagan ka. Kaya dapat gumawa ka ng paraan kung paano siya sasaluhin ng hindi siya masasaktan at hindi ka masasaktan.

Juan: *Hithit ng yosi* *Buga* Oh ito bayad ko.. * bayad ng beinte*

Pedro: Wala ka bang dos jan?

Juan: Tamo ka. Binayadan kita ng sobra humihingi ka pa ng dagdag.

Pedro: *nagets*  Humihingi lang naman ako ng dagdag para maibalik ko sayo ng mas buo.

Juan: *Hithit* *Buga*  Alam mo pare dalwa yung mahal ko pano yun?

Pedro: *Kuha ng yosi ni juan* *Hithit* *Buga* Piliin mo yung pangalwa...

Juan: Ha? Bakit?

Pedro: Kasi di ka naman magmamahal ng isa pa kung mahal mo talaga yung una.

Juan: Masasaktan yung una?!

Pedro: Wala namang hindi nasasaktan pag nagmamahal di ba? Masakit pero kailangan tanggapin. Kesa pagsabayin mo. Mas madaming masasaktan. Mas madadaming luluha.

Juan: Pano pag sinaktan ako nung pangalwa?

Pedro: Bahala ka na! hahahaha *Kuha ng beer sa ref*

Pedro: O beer.* abot kay juan* *laklak* *lumod* Ahhhhh... Pare. Paano kung dumating yung oras na hawak mo ang isang bagay tapos may nakita kang mas maganda. pero ayaw mo bitawan yung una. kasi mas mahal mo.

Juan: Ganto lang yan: Huwag mong bibitwan ang bagay na alam mong di mo kayang makitang hawak ng iba.
Huwag mo namang hahawakan kung alam mong bibitawan mo lang. At huwag na huwag kang hahawak pag alam mong may hawak ka na.

Pedro: *Buntong hininga*

to be continued...

Biyernes, Abril 13, 2012

Simpleng Hi... Simpleng Hello... Dun nagsimula ang lahat.

Pagsasamahang binuo ng mga ngiti at halakhak, ng talino at sikap, ng lungkot at hirap. 


 Ngayong araw naramdaman kong hindi ako nag-iisa. Ang simpleng gago na dati'y iyakin, sa wakas ay nakahanap na ng bubong na masisilungan sa tuwing papatak ang ulan at mga panyong papahid sa pupatak na luha saba'y sa pagtulo ng mga sipon. Sa piling ng mga taong BALIW kung tawagin at baliw man ay may laman din. 

 Tuwang tuwa ako habang pinapanuod ko magpatawa at magpasikat sa unahan  sina Nikko at John Mark na tila walang pakialam sa mga nakatingin sa kanila. Ang ilan ay nagtatawanan rin. Sa pagbaling ng aking mga mata ay napaawit na lang ako sa jamming nina Cydrick, Andrew at Mark Roe . Kaming apat na laging magkasama...kaming apat na walang oras na hindi magkakatabi at magkakasama. Sa kabilang dako ay nakita ko ang tahimk na pagbabasa ng libro nina Joyce at Jueann at ang malakas na kwentuhan at chikahan nina Vivien, Shaina, Mader, Angie, Paui, Julie at Euan. 


Niyaya ako maglakad ng tatlo kong kaibigan. Sa aming paglalakad hindi ko namalayan na sipa-sipa ko ang isang bote ng coke na walang laman hanggang sa masipa ito ng iba at hindi ko na matanaw. Tila ganun nga kabilis dumating at maglaho ang mga bagay sa mundo. " Wala na.." Natulala ako... Siguro ganoon nga iyun. May mga bagay na bigla na lang dadating at bigla na lang ding maglalaho ng hiindi ko napapansin.At pagdumating ang oras na ito'y mawala maiisip na lang natin na "sana may mas madami pa akong oras kaipiling siya...kapiling sila." 
Ito ang huling araw na kasama ko siya. Huling araw ngayong school year na kasama ko ang tropa.  Pagkatapos nitong araw na'to maaaring magbago ang lahat. Maaaring magbago ang takbo ng aming kanya-kanyang mundo. Ayaw kong mangyari yon pero hindi maiiwasan. Lahat naman ng bagay nababago ng oras. Oras na walang ginawa kundi manira o magpaganda ng takbo ng mundo. Oras na lagi na lang puno't dulo ng lahat ng pagbabago. Bagay na sinisisi ng marami pero gumagawa lang ng kanyang trabaho. ANG TUMAKBO.

Wala akong magawa. Maghahalwat na lang ako ng gamit... Binuksan ko ang bag ko... Mga nabubulok na pahina ng notebook lang ang nandun. Binuklat ko ang clearbook ko. Isang litrato na naglalaman ng apat na tao ang nakita ko. CMAC: Carlo.Mark.Andrew.Cydrick. Isang pangalan na binubuo ng apat na iba't ibang pangalan. Isang grupong binubuo ng iba't ibang tao na may iba't ibang ugali at iba;t ibang kabaliwan. Ang kabaliwang nagbuklod sa apat na ito ay ang parehong kabaliwan na rason kung bakit umingay ang tahimik kong mundo...Ang kabaliwan na nagbigay kulay sa panda-colored world ko... Ang kabaliwang naghatid ng saya hindi lamang sa aming apat kundi sa ibang tao.

"Wala naman tayong pupuntahan. Ayoko pang umuwi." Pare-pareho ang nasa-isip namin nun. Kumain kami sa labas pagkatapos bumili ako ng madaming pagkain na kilala sa tawag na chichiria. Tumungo kami sa aming silid. Hindi pa ako nakakapasok sa loob, napawi ang aking ngiti. Itong silid na ito na pinangalanang "LV's mental institute". Kung titingnan sa labas tila isang haunted room. Nakakatakot.Madilim.Luma.Magabok.Madumi. Ngunit sa pinakamadidilim na lugar nakikita ang pinakamaliwanag na ilaw. Dito kami nanahan sa loob ng sampung buwan hindi bilang magkakaeskwela pero bilang magkakapamilya.kapuso at kapatid. XD. (So funny but true.haha) Ang silid na ito ang naging tahanan namin. Sa likod ng mga gabok sa mga sulok nito itinago namin ang mga ngiti. Sa ilalim ng mga dumi nito ibinaun namin ang mga luha. Dahil ang munting room na ito ay hindi basta isang silid. Ito ang puso namin na pinagtagpitagpi ng halakhak at iyak para makabuo ng mas malaking puso. Pusong nagbigay daan sa lahat ng aming tagumpay. Pusong nagbigay ilaw sa mga araw ng kadiliman.

Pumasok kami sa loob. Walang tao. 10 lang kami. CMAC at ilang DRC girls. Sa bawat lamesa may natitirang alaala.Sa bawat bangko may natatandaang pangyayari. Bigla akong napangiti. Baliw nga eh. Naalala ko lang yung mga oras na nakangiti ang lahat. Mga araw na tila kinalimutan namin ang lahat, na para bang kami lang ang mga tao sa mundo. <FLASHBACK> *Sigaw* *TAWA*  *Tumahimik bigla* *tawa ulit.* *TAWA* *Salita. sabay palipad ng eroplanong papel.**TAWA**Bumagsak ang eroplano**TAWA* Walang katapusang tawanan.  <End of flashback>

Iba't ibang uri ng tawa at hinagpis sa likod ng mga ngiti ang aking nakita sa loob lamang ng ilang minuto. Mga baliw na pinipilit maging matapang mapagtakpanlang ang nararamdaman. Mga baliw na ginagawang libangan ang pagtawa upang makalimot. Mga baliw na minsan naging mga totoong magkakaibigan na pinagbuklod ng kaniya-kanyang kabaliwan. Mga baliw na pinoproblema ang problema ng iba. Mga baliw na lumalaban kahit kakaunti ang chansang manalo. Mga baliw na patuloy na nabubuhay. Tunay na Baliw. pero Baliw man ay may laman.

Lumipas ang mga oras....

Napaupo ako sa isang magabok na upuan ng silid. Ang bangkong sampung buwan sinasalo ang malaki kong pwet. Ang bangkong kasama ko sa araw-araw. Siyang kasama ko sa lungkot at saya. Sa kagipitan at kayamanan. Sa hirap at ginhawa. Sa pagbabasa at panggagaya. Sa pagsusulat ng mga walang kwenta kong katha.Siyang kasama ko ngayong tatapusin ang isa pang madramang katha na ginawa ng malalaki kong kamay kasama ang mahahabang daliri.

Inaalala na naman ng makitid kong utak ang masasayang nakaraan nang ang DRC ay masayang nagtatawanan, ang 1234567 ay malakas na ngchichismisan, ang GRELLE ay nagpapakaaadik sa tinatawag nilang "anime" na kilala ko bilang cartoon, ang pahina ng libro ng ABJ3 ay hindi pa nanlalagas, nang naririnig pa namin ang boses ni Ysabelle, nang JARAKEÑA and friends ay masaya pang nagpipiktsuran, nang ang CMAC ay walang hanggan ang pangungulit sa bawat isa.

...nang segundo...minuto...oras....araw. Na baliw pa ang lahat.

"Lahat ng simula ay may katapusan ngunit lahat ng katapusan ay panibagong simula lamang."






Love and Victory is LV
Elvie's Generation

Gaano kahirap maging lalake??

MGA HINDI ALAM NG MGA BABAE SA MGA LALAKE

Usapang lalake. *sindi ng yosi* *hithit* *buga*

Musta na, pards? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba.

*hinga ng malalim*

Bakit ba ganun pards, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit ‘sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.

*tingin sa stars*

Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal? E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya?Ang feeling ng masaktan pag nabasted? Malamang-lamang siguro, hindi ano.Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e.

Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, magsaya at magdrama. Tingin mo?

*tingin sa malayo*

Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang naghihirap. Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun? Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba?Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max.

Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod. (Hahaha)

At ano ang kapalit? Well, depende sa trip nila. Oo pards, sa trip lang nila.Wala silang pake kung mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha

naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buo-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan. Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo. Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan.

Wala tayong magagawa, marami silang alibi.

“Hindi pa ‘ko ready eh..”,

“Sorry pero I think we should just be friends..”,

“Ha? Uhhmm.. nagpapatawa ka ba? Hahahaha..”

“Better luck next time na lang muna, okay lang?”,

“Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..”,

"Para lang kitang kapatid eh.. "

yaddah yaddah.

Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa ‘yon para saten.

*kuha ng bote ng beer* *lagok* *lunok*

At hindi lang ‘yon pards. Sa pre-relationship stage pa lang yon.Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle.

Tayo daw ang mga lalake kaya

tayo ang hahawak ng relasyon.

Tayo ang aayos kung may gulo;

tayo ang dapat magpapakabait;

tayo ang magtatyaga;

tayo ang magiging devoted at faithful;

tayo, tayo tayo.

Sila? Ummm… Teka, isipin ko.

Ayun.

Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet

at kung anong oras ka dapat umuwi;

sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts;

sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano;

sila ang magbabawal;

sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave o magpagupit,

kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila,

kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila,

at kung kelan ka korni.

Minsan naikkumpara pa tayo sa ibang lalake...

Ewan. Ganun ata talaga.

*kuha ng bote ng beer* *lagok* *lunok*

Hindi pa yun tapos pards, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang

magiging takbo ng relasyon.

Pag maganda, edi okay.

Pag may problema, kasalanan naten.

Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo.

Kaya lang mahal naten kaya di na natin

iniintindi yun.

*hinga ng malalim*

Pero alam mo pards, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e.Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan.

Mas mature?

Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.

*hinga ng malalim* *tingin sa malayo ulit*

At ito pa ang pinakamasaklap.

*singhot*

Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong ‘to, either sawa na sila, hindi na tayo trip,may nahanap na silang better saten,o kaya they need f*cking space and time muna.Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod.

At ano pa ang kasamang hassle don?Syempre wasak na ang imahe naten.Tayo ang lalabas na may kasalanan. Na playboy. Na nagpapaiyak.

*iiling*

Tayo siyempre ang mga masasama at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak.

Ang ending:mag-ooffer sila ng “friendship” kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, “player” na ang image naten,at higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog.


Minsan lang mag-mahal ng totoo ang lalake, kaya pag natyempohan sila nito, pahalagahan na nila. Dahil pang-habang buhay na yun. Wag silang gumawa ng permanenteng desisyon para sa pansamantalang emosyon.

 
Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere. Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?


Miyerkules, Abril 11, 2012

EFFIN LOVE!

"Why is Cupid happy striking his damn bow and arrow and see people fall in love. Can't we get those things to strike him and let him see how painful it is to fall in love."

I don't want her to love me just to return that damn favor that I love her so much. What if I said I don't love her even if I do. She won't love me right? 

"Expect the unexpected" that's what love is. Expected at the right time, at the right place with the right person. But destiny is just too tricky. It comes out of nowhere. Maybe at the right time, at the right place but with the wrong person or the wrong time, wrong place but with the Right person. 
"Effin Love So Confusing"

 From the first time I saw her I never knew that one day I will fall for someone like her. No doubt, she's cute, she's pretty but she's so maarte and mataray. Two things I don't want in a girl. But as time passes by, I am learning to like her negative sides. (She's so cute when she's mad but i don't want her to be mad at me XD ) The worst thing is.... She made me fall in love and I hate it but I love her. 
"Effin Love So Annoying"

What if we didn't met? What if you didn't notice me? What if I didn't notice you?  What if I didn't fell for you? What if you didn't love me back? "What if.. what if..." Too many questions.  I just can't imagine things now. I just can't think of any answer. ahmmm.. Honestly, I CAN but I DON'T WANT TO. waaaaaaahhh. I feel my mind is going to burst. 
Effin Love So Playful.

 You made me cry but i was too tough and gave back a smile. You showed me anger but I was too strong and gave back a Hi. You broke my heart a million times but I was too in love so I hold on tight. I am the contrast of what you are. You like, I dislike. I want, You don't want. Ahem. Law of charges. "Unlike Charges ATTRACTS!"

I'm too naughty, too childish, too bad, too selfish, too stubborn. Well they say my worst behavior is reserve to the person you deserved. The person that will love you despite of all your negatives. The one who will accept the true you. If you can't take it anymore, I'm always ready to accept the fact that you're not the one for me. But I'm also ready to change myself for you to love me.

This day I',m full of hatred together with sadness. I said I wouldn't talk to her, I wouldn't take a single glance at her. But my heart, my eyes, my mind and my whole body is not cooperating.
Effin Love so Powerful.
 

Why does my eyes always want to see her? Why does my mind always think of her? Why does my heart always want to love her? Why do I fell? Why is love so cruel?
Effin Love so Painful

REMINISCE :'(

FAMILY ends in ILY !:D

I sat in front of Mr. PC not knowing what to do next. I started to touch the jumbled letters of the keyboard and give a cheese to the mouse. I've been staring face to face with the monitor till boredom knocks at my door. Few minutes later, the darkness conquers the bright sky and stars starts to come out and stare at me. The moon seems smiling at me outside my room's window. After peeping at the dark sky. My mind brought me to the past. The time when I was still in my bed. A raindrop fall from my eye decoding a statement saying "I miss those days." :'(

The hands of the clock were ticking so fast that I don't have the time to tell my parents that i was the luckiest son to have them as my parents. All of us became so busy. My parents in their work, and me in school.  

The people whom we call family are the people we can't live without. They were the first one who taught us how to write, read and most importantly, how to love. I remember I was a crybaby those times but they were the one that made me realize that I shouldn't cry things up cause tears won't do any change.

My parents lead me to the right road. My parents showed me the right door. They have always been my feet that made me stand tall and help me walk and run through the road of life. They are always giving me strength to fight. They have always been my no. 1 fan wasting their voice just to cheer for me. I realize how my parents love me and care for me. I miss those days when we were happy playing at the park. The days when they held me around their arms. Arms of faith that whenever their around me I feel like its the safest place on earth. If only I had the power to invent a time machine and help many people specially me. I want to go back to the times when my greatest superhero was my dad...back when my mom was my only girl... when my toys were my best friends...when Love only means my mom's embrace.. when Pain could be healed by just a band aid and candies. I want to return to the highest place on earth, my dad's shoulder.If only i have the power. I wish I could replay things. Making all moment worth it. I don't want to change anything but I want to repeat everything even with pain but with them. :)


The people behind the smiles! :)

For the people that made me smile. For the humans that made me crazy. Thanks!:))

"Few.Relationships.In.Earth.Never.Dies."

 Life may lead to some circumstances, problems and walls full of trials. Trials that make you strong. But in life, we may come across many people. Some will hate while others will adore. Those who hate can be referred as enemies and the ones with adoration can be called as friends. Maybe some people will say that when people start adoring you it does not mean you're already friends? Friends, a word having more definitions we can't decode. Why? Because the word 'friend' has a definition far more than you ever think.

As a student, dreaming of a certain star to reach, we need smiley faces that i call friends. People whose smiles are sweeter than chocolate and love much hotter than coffee. When I was young, I see my cousins bond with their friends. I stare at their smiles, I listen at their laughter. Those were the time when I said to myself, "I wish I could have friends like them." So that i could have friends like them, and bond like them. I never really had those kinds of friends. Why? Because I had better ones. The friends that I never really dream. People far beyond my thoughts. I never really know that they would be my friends. Maybe that was a little thing called DESTINY.

Time passes and I met more people and create more friendship. I love my friends and nothing can change that. I love every part of them that makes me smile, laugh and cry. They were there when I first loved. They were at my back when I first court. They were my clowns when I first broke my heart. They were the one that remove the word pain in my dictionary and replace it with the word happiness. They're the witness when I finally moved on and they're still here when I finally fall in love again. They had always been the magic in my life. Change my eye's raindrop to a laughter without end was the best thing they o to me. That's why we need some people known as FRIENDS! :')

TRUST. We trust each other like no other. Sharing secrets we are the only one who knows. Sharing problems to each other. Trusting each other was one of the most important thing cause love is all about trust.

TIME. We have been spending most of the time together more than we spend time with our family. One of the most important ingredient of perfect friendship. TIME=INFORMATION=FUN=LOVE=TRUST! :D
It is the origin of all.

FUN. What is happier than spending time having fun making trips, saying jokes and making each other smile with your friends. This made and played a great role to the life of every humans heart. Fun is equal to Smile. 
"Smile is a curve that sets everything straight "

LOVE. The most complicated part. Our hearts has the hardest job. Love is its only duty but there are too many branches of love. Love for God, for family, for crush, for friends. You'll never know how to manage things.It just comes out of nowhere. It is never planned nor set-up. "No words are said but our hearts knows what we want to say."
Best friends listen to what you don't say. :)


 

 

Linggo, Abril 8, 2012

ONE SKY; ONE DESTINY




"How will you know if someone loves you if you don't tell them you love them too?"

     I stand in our balcony at the mountain view, filled with hope and courage waiting for the beauty of the rising sun to greet me, just as much as I wish that the rain would drop by and say hello. Suddenly, the breeze gently blew right into my face, giving shiver on my whole body that seems to bear an undefined statement I couldn't decode.

     I was awoke in my daydream and the first thing my mind thought was a face of you drawn in the clouds  above the mountains, I realized that my hot cup of coffee turned cold, as cold as the cold heart of yours that my chili pepper heart have been loving ever since we've met -- an unexplainable love you never knew that it would exist.

     It was almost midnight when i continued writing. I sat at my favorite chair thinking what to write next. Suddenly, a memorable song echoes through my thoughts as I think, my tears fall in my eyes without noticing it. Since the day we've met, I already told you a thousand of sentences and a million of words but there are words, phrases, sentences I just can't tell you. I always wished on water because moon and stars are just there at night but water is everywhere, even drops of it are in my eyes falling when I see you together in someone's arm. I always wished I would have the courage of telling these things to you, how important you are to me, how I love you so much and how I care for you. Did you know how it feels like when I see you looking for him? It feels like there's a million of thorns that pierce my heart and cause it to bleed like never before. I always wanted to tell you this, "Why are you always looking for him? I'm just right here waiting, and loving you as much as he do."
     It doesn't matter how loud I can shout "I love you" for you to hear. You can't hear it because you have already found and trod the path that leads you to a different world -- a path that takes you away from me. But even a second of our lives we have been linked and connected, and will always be.That make me realize you did love me -- as a friend.

     There were times I really cherish most. Those were the days we were happy, talking to each other and playing a game that I really don't expect that will lead me to fell in love with you. As time pass I was falling in love with you, I never forget to text you, to chat with you and I thought those were the time I really need to say the three sweetest word for you. I said it but it was neglected. Ever since, we never talked like before, bond like the past months and smile like we were the happiest persons in the world. That day made a crack in my heart. I feel like I'm being lost in a place where light will never shine again.

     I wish that you would give me chance to fix thing up, to bring back the pieces in our ruined puzzle. I wish that things could be better between and hope that one day, I won't ask if you are the one for me because ever since you are the only one for me. Everyday when we met at school, the first thing I hope is to be noticed by you. Even a single hi and a simple smile from you to me complete my day. But if you could only see my brain and heart  quarreling inside me, my heart says, "Stop thinking , it's impossible" but then my mind says, "Stop loving her, I'll stop thinking."

     However, love can be painful. It can drain your soul, break your heart but it is the only thing that complete us as a truly evolved human. Ages really don't matter but time it does. Maybe yesterday was the right time for us but through this essay essay, I would like you to know this Christmas gift is from a simple boy loving an extraordinary girl, wishing that someday that girl will love me too like the way i love her so. Thousand miles away from you can be hard for me but if that is the only way to lead to a better person that you deserve and deserves you. As the sun never fails to rise each morning, my heart won't fail to love you each day. Our hearts might be far away from each other but it has been connected when we became friends.

     Wherever you go, I'm thinking of you, wishing that our hearts would rolled into one. You might be in a different world, but remember there are many world, but they share in one sky...  
"ONE SKY, ONE DESTINY!"
 
(This is my very first serious essay. ^^ Thanks for the help of my bestfriend. Cydie!:) Inspired by sir abby!:D )