Powered By Blogger

Huwebes, Marso 7, 2013

Emosyong nadala buhat sa tweet ng iba


  Minsan pala nakakadala din ng emosyon ung pageemote ng iba. Tipong naaasar ka. Nakakarelate ka. Nalulungkot ka. Nasisiyahan ka. Naaawa ka. Nababaliw ka.
Sino may sabing walang kabuluhan ang social networking sites tulad ng facebook at twitter? Dehins kaya!


There's really this GUY (Teka. Teka. GUY nga kaya?) na kung makapag-emote, mura, at kung anu-ano pang kaCHEAPAN na ginagawa sa twitter niya. Napansin ko lang siya. (Well, may twitter ako pero nakalimutan ko ung password. Kaya heto tamang nakikigamit ng twitter ng may twitter) 

Pano ba naman hindi mapapansin? Eh flooded ang twitter nung friend ko ng tweets niya. At ang point dito, ngayon ko narealize yung sinasabi ni Mr. Casaljay na nakakairitang pageemote. Nag-eemote siya sa isang bagay na hindi NA karapat-dapat i-emote.

This guy just went to a total break-up after two chances. Mga last months na nung last year. (Hindi ko alam ung date. Hindi ako ganun kachismoso. Pero ang totoo nakalimutan ko lang.XD ) Then, kagabi he started posting these Puchang tweets na nakakairita. Sige Papatulan ko. Wala na naman akong magawa eh.

"Masokista din ako eh. Tiningnan ko pa talaga hanggang makasakay ng jeep Ewan ko pero parang okay nako."
-The-Man-Who-Must-Not-Be-Named

Wala namang mali dito eh. He just watched her EX ride on the jeepney with EX's new. Well, lampas na naman sila sa "three-month rule" kung naniniwala ka dun. Kaya pwedeng pwede na. Hindi mali yung EX.  So, sabi niya... "Ewan ko pero parang okay nako." Okay na naman pala. Akala ko.

Tapos...

"Yung kitang kita mo na talagang sinasampal sa mukha mong oo magkasama kami bakit aangal? Grabe. Priceless."
-Siya-Ulit

Ayun. Dumali na naman.Akala ko ba Okay na? Ang gulo talaga nito. Parang babae mag-isip. Bilis magchange ng thoughts. Sa akin lang, pucha pare, ikaw yung tumingin. Hindi nila kasalanan yun. Minsan kasi... maniwala ka dito. Isa to sa dose-dosenang motto nagpapatakbo sa buhay ko. Ito.
"Wag mo na tingnan yung mga bagay na alam mong masasaktan ka. Kung sinasadyang ipakita, libre pumikit."

KUHA MO?! GEH




"I gave all that I have so don't bother to ask why you still means that much."
-Siya-Ulit

Kung nakamove-on na siya and you're stuck in the past dahil sasabihin mong wala ng natira sayo pero aminado kang binigay mo kasi lahat, BALIW ka.! Adik ka ba? Sa isang tao, literal man o hindi, may natitira lagi. Kahit sabihin mong binigay mo lahat. You can still do more than that. 

Pero sige sakyan natin. You gave it all and now, sinisisi mo siya kung bakit ganun pa din siya kahalaga sayo. It just shows na sinusumbat mo na lahat sa kanya ngayon. Pinaparamdam mo na ma-GUILTY siya na iniwan ka niya. You're forcing her to come back to you smiling but then it just goes the other way around. You're even showing her na sana nung una pa lang hindi ko na tinanggap, inappreciate lahat kung sa huli magiging panumbat din naman. Bro, all boys experienced and will experience that.

Yung feeling na sa huli gusto mo ipamukha sa kanya na nasayang lahat ng time, effort, sacrfices, LOVE na ibinigay mo. Na sa huli, it all doesn't matter pero PALAWAKIN MO NAMAN YUNG UTAK MO. In the first place, tayo yung nagoffer. In the second place, it's our own idea. In the third place, It's our decision. So sinong sisisihin dapat? Eh sino pa... SARILI NATIN BRO. :)

"Nung ako nga. Ako na mismong lumapit sa kanya at iniyak ko lahat lhat."

Eh, ikaw yung lalaki, pare. Malamang ikaw yung lalapit. Hindi ka pinaiyak. Kusa kang umiyak. Gets mo ba? :)

"Masyado kasi akong umasa sa pangakong binigay niya. 2ndchance na kasi yun. Akala ko okay na. Yun pala. Wala din."
Promises are meant to be broken. Sa oras na nakinig mo yung promise, yun din dapat yung oras na inihanda mo yung sarili mo na someday masisira yun. Kung mawasak. Eh di ready ka na. Kung hindi, Mas okay! :) 

Yung 2nd chances kasi dapat pinagiisipan muna. Yung 2nd chances dumadating yan. Hindi ipinipilit. Mahirap kaya pilitin ang isang eroplanong maglanding sa airport na kawawasak pa lang.. Kita mo yung moral? 



Ganito na lang... 

Kung tingin mo siya yung masama, Isipin mo na lang na ang dami mong natutunan sa kanya na pwede mo ng iapply sa iba. Yung mga dahilan kung bakit nag-aaway kayo dati hindi mo na gagawin sa next mo kasi alam mo na pwedeng ikasira niyo. Di ba? Tsaka masaya makipag-ayos. Mahirap ang may poot sa puso. Mabigat.Masalimuot. Kaya alisin mo na yan. Bago mahuli ang lahat. Bago maging abo si LeBron. XD



Ge.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento