Powered By Blogger

Sabado, Hulyo 28, 2012

Para sayo. tamaan ka sana Gago.:)



KKSP ( Kaklaseng Kulang Sa Pansin )

Hindi talaga mawawalan ng epal na kaklase. Yung mga kaklaseng malakas mang agaw ng atensyon ng guro. Yung tipong kada salita ng guro eh may side comment siya. Alam mo yun? Yung parang gustong mag stand out na wala naman papatunayan. Pinapakita lang gaano siya ka hipokritong bata. Hindi mo alam kung gustong sumipsip o mag-iwan ng marka sa guro para magkaroon ng isang estudyanteng bagsak. 
Hindi mo alam kung ano trip gawin sa klase, gustong magpapansin. Siguro walang pumapansin sa bahay nila. Nakakawala lang ng focus, kapag kada salita eh may komento at talagang malakas pa ang boses. Hindi ka nakakatawa. Bigyan kitang piso. Hanap ka ng papansin sayo. Sarap tampalin sa mukha eh.
Pa bibo, bobo naman.
Pahanga, tanga naman.

Thanks to:
www.matabangutak.tumblr.com 

Sabado, Hulyo 7, 2012

Bakit kailangan ko sundin ang batas?



Law is order, and good law is good order.
-ARISTOTLE


    BATAS. Sa buhay natin tayo yung calculator at ang buhay ang math problem at ang batas ang mga equation. Kung susundin natin ang tamang equation makukuha natin ang tamang sagot. Pero sa bilog na lumulutang sa kalawakan at tinatawag nating mundo, hindi maiiwasan ang mandaraya. Sila yung mga taong nakakapagtakang hindi sumunod sa equation pero nakakakuha parin ng tamang sagot. Mga pinagbibigyan? Bakit pagbibigyan? Kasi may kapangyarihan...

    Importante ba talaga ang batas? Maraming nagtatanung niyan.. Para sa akin, Oo. Napakaimportante ng batas. Pero mas importante na may parusa ang lalabag sa batas. Walang kwenta ang batas kung walang parusa. Ang batas ang nagpapanatili ng katinuan sa bawat mamamayan. Ito ang nagpapatunay na maraming tao pa din ang may takot. May takot na maparusahan. Ito din ang nagpapanatili ng kaayusan sa mundo. Kung wala nito maaaring sa loob ng isang araw maraming patayan, maraming kaguluhan, maraming masasaktan. Kung walang batas na bawal umihi kung saan-saan, maaaring isang masalimuot at mabaho ang mundong ito. Kung walang batas na bawal ang overspeeding, siguro maraming maaksidente. Paano kung walang batas na bawal magtapon ng basura kung saan-saan? Siguro isang malaking basurahan ang planetang ito. Batas ang isa sa mga bagay na nagpapaikot sa mundong kinatatayuan natin. Limang letra ngunit napakadami ng nagagawa.

      Tatlong uri ng batas? Ano nga ba iyon? Madami na atang nakakalimot. Una, ang Batas na ginawa ng tinatawag nating Diyos, ang Divine Law. Sa sarili ko, hindi ko alam ang mas pinalawak na kahulugan ng Divine Law. Ang alam ko lang ay ito ang pinakamataas na batas at batayan ng lahat ng batas sa mundo. Ayon sa makabagong encyclopedia o kilala bilang internet, ito daw ay binubuo ng 2 pinakamataas na utos. "Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo." at
"Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili." Ikalawa, ang partisipasyon ng tao sa Batas ng Diyos, ang Natural Law o ang Batas ng Kalikasan. Dito pumapasok ang Sampung utos ng Diyos dahil ito daw ay galing sa simulain ng Natural Law dahil ang mga utos ay ayon sa kalikasan ng tao. Isa ito sa dahilan kung bakit madaming makasalanang tao. Bakit? Kasi kahit gaano tayo kabuti mahirap sundin ang lahat ng utos ng Diyos lalo na ang ikawalo. "Wag kang magbibintang at magsisinungaling". Yun nga ata yun. Dahil sa tingin ko walang taong hindi nagsisinungaling. Ang huli ay ang Positive Law. Ito ang batas na ipinagtibay ng lipunan o ng isang bansa. Sa aking pagkakaintindi, ito yung mga batas na nilikha ng mga tao. Mga batas na ang kaparusahan ay makulong o magmulta ng limang daang piso. Mga batas upang maiwasan ang gulo sa mundo sa lupa.

        Bakit nga ba dapat kong sundin ang batas? Kung ang batas ay makakapagpabagal lang sa mga gusto kong makuha? Kung ang batas ay hadlang lamang sa mga kagustuhan ko? Siguro, dahil mas maraming makakahadlang sa akin kung wala ang mga batas na ito. Baka dahil sa batas na ito nabubuhay pa din ako ngayon kasama ang mga mahal ko sa buhay. Maaaring ang batas na ito ang magtuturo sa akin ng pinakamalayo at pinakamatagal lakbaying daan patungo sa pangarap at pagunlad pero ligtas at magiging masaya ang biyahe. Kayo? Susunod ba o susuway?? :)


Hard question!

 "what will you choose, taong mahal mo o kaibigan mo?"

      Marami na kong natanong tungkol dito... Iba-ibang sagot.. Iba-ibang opinyon... NAKAKALITO.

"iwan mo parehas kasi lalo ka lang mahihirapan pag pinili mo ang isa atleast pag iniwan mo sila parehas tapos ang usap wala nang nagyare. "
-Rombert

  Pag iniwan mo parehas, parang sinabi mo na mas mabuting mag-isa ako. Parang sinabi mo na ayos lang na itakwil ko ang buong mundo ko. Parang pinili mong maging mongoloid na may sariling mundo. Pero sa puso mo umaasa ka na pag iniwan mo sila may isang susunod sayo at hindi ka matitiis mag-isa. Lahat naman kaya mag-isa e, yun nga lang ang tanung hanggang kelan? Tsaka, pati mongoloid kelangan ng mag-aalaga noh?

   Sabi nga sa HEAVEN KNOWS ni RICK PRICE "if you really love her, you've gotta set her free... and if she returns in kind i'll know she's mine." May babalik, kung wala man... may bagong darating..
Sabi nga ni popoy sa ONE MORE CHANCE... "na baka kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin, kasi may bagong darating... yung mas okay..yung mas mamahalin tayo..."

"Yung taong mahal ko... kasi kahit iwan mo man yang mga kaibigan mo, kung tunay silang kaibigan di yan mawawala.
-Gelaa

Yung taong mahal mo na bumubuo ng araw mo.Yung taong ginawa mong mundo. Yung taong pag kasama mo, kinakalimutan mong may ibang tao sa paligid. Yung lahat ng problema nawawala pag nandiyan siya. Yung mahal mong minamahal ka. Yun ang pipiliin mo dahil nakumbinsi ka nung kowt sa taas??:))


"Kapag pinili mo yung taong mahal mo... Nandiyan nga siya para mahalin ka pero hindi niya maiiwasang saktan ka at paiyakin. At pinakamasaklap, nandiyan siya para iwan ka balang araw"
-Cristel

Masaya ka nga sa piling ng taong mahal mo pero hanggang kelan?? Hanggang hindi ka pa nasasaktan? Hanggang hindi ka pa niya iniiwan? Hanggang hindi ka pa niya pinapaiyak?? Marami magsasabi na "talagang ganun, pag nagmahal ka kasi dapat handa kang masaktan, dapat handa kang umiyak."
Oo. tama yung statement. Yan yung statement na nagpagulo na din sa utak mo ngayon di ba??

"Kaibigan, kasi hindi ka niyan iiwan. Ang mahal mo pede mo pa paltan yun.. Pwede ka pa magmahal ng iba ng katulad ng pagmamahal mo sa kanya.. Hindi naman siya ang buong mundo diba? ikaw na din may sabi.. Hindi lang umiikot ang buong mundo sa isa, dalwa o ilan tao lang.."
-ANDREW

   Nabago na naman ba ang opinyon mo dahil sa panibagong kowt na nabasa mo?? :) Isipin mo.. Kahit na madapa ka... Kahit na umiyak ka... Kahit na iwan ka nilang lahat.. Tatakbo ang oras at iikot ang mundo.Nasayo ang desisyon. Kapag sumama ka sa mga kabigan mo...ano bang mangyayari.? Pag sumama ka sa mahal mo anu rin bang mangyayari? wag na wag mong papaikutin ang mundo mo sa isang tao o ilang tao kasi unang-una, ikaw ang masasaktan pag nawala sila. At pangalawa dahil hindi naman talaga kaya umikot ng mundo sa tao.

"Yung O? Lel. Mhrap kaso I go with Friends. :D Minsan kasi yung taong mahal ntin hindi nman tayo mhal ee at madali tayong saktan. Eh yung mga kaibigan ntn . mahal tayo nun , hndi ppyag na tayo ai masktan . Wushuuu. XD"
-Paui

Nakukumbinsi ka na ba na piliin ang mga kaibigan mo?? Depende din pala yun sa mahal mo.. Pwedeng mahal mo, mahal ka din.. pero sa kabilang side meron pa ding bka mahal mo, di ka naman mahal. Pero sure din ba tayo kung mahal ba talaga tayo ng kaibigan natin?? Maaaring oo... Maaaring hindi...Maaaring mahal nila tayo pag may kelangan sila pero pag tayo ang may kailangan nawawala sila.. Hindi tayo sigurado kung hindi sila papayag na masaktan tayo pedeng isa sila sa mga taong nakangiti pero may patalim na kapit sa likod.

"Ahmmm.. Siguro yung taong mahal ko. Hindi naman sa dinisregard ko na agad yung mga friends ko kaya lang syiempre lahat nman tayo kelangan ng taong mamahalin at taong magmamahal sa atin di ba? If you found the one don't ever think to let him/her go or else you'll miss the reason of being alive"
-Hilary

Reason of being alive.... Is that the so called LOVE?? Maaaring once in a lifetime nga tong tinatawag nilang Love.. Tama nga bang hindi na to palampasin kahit na masakit?? Kahit na masakit, at least napapasaya ka pa din nman.. Tama bang kahit pinapaiyak ka nitong love na to ayos lang kasi napapaltan din naman ng kilig at ngiti?? Paalala: May dalwang love..  ang TRUE  at ang FALSE LOVE or the thing called INFATUATION.

ALL I CAN SAY:
  •  ISIPIN MO NA LANG LAHAT NG PWEDENG GAWIN NG KAIBIGAN SAYO MAAARI DIN GAWIN SAYO NG MAHAL MO, AT LAHAT NG KAYANG GAWIN SAYO NG MAHAL MO KAYANG-KAYA DIN NG TROPA MO.
  • PILIIN MO KUNG SAAN KA SASAYA HINDI KUNG SAAN KA SISIKAT.
  • CHOOSE THE ONE THAT WILL MAKE YOU CRY BECAUSE OF LAUGHTER.
  • CHOOSE WISELY DUDE! ;)

OTHER OPINIONS:
Angie-Piliin mo kung sino yung laging andyan para sayo.. HIRAAAAP. :)
Jemma- friends nlang!!!pra hndi ka masaktan!!
Kaeremon- you can consider your friends as taong mahal mo.
Czam- Pero you can also consider your loved one as your friend, partner, etc.. Puhhrung All in One.
Eman- Ay naku. kaya ko ipagpalit lahat para sa love.. Di naman lahat. pala:))
Luz- but you should also be worthy of choosing. kasi kung nahihirapan kang mamili between people with great worth, kailangan ikw great dn ang worth. kaya ingat. bka kasi piliin ng taong mahal mo yung mga kaibigan mo. :D





Biyernes, Hulyo 6, 2012

MOVE ON KA NA BA??

"Paano mo makikita ang taong magpapangiti sa'yo, kung laging nakapikit ang mga mata mo kakaiyak sa maling tao."

Masakit, mahirap... pero sa huli, it will all be worth it.
Diyan nagsisimula ang pagmomove-on diba? Ang tanung:
NGAYON?? MASAKIT PA BA?
Mahirap sagutin? ito nalang...

1. Nasasaktan ka ba pag may kasama siyang iba?
2. Napapangiti ka ba kapag bigla mo siyang naaalala?
3. Natutunganga ka ba kapag napapadaan ka sa mga lugar na kung saan dati kayong magksama?
4. Umaasa ka pa rin ba na ang 'new message' sa cellphone mo ay siya ang nagtxt?
5. Tinatago mo pa din ba lahat ng alaala niyo sa kwarto mo?
6. Nasa phone mo pa din ba ang mga txts at alaala niya sa phone mo?
7. Natutulala ka pa din ba kapag nakikinig mo ang mga kantang minsan niyo kinanta?
8. Napapalingon ka pa din ba kapag nakinig mo pangalan niya?
9. Naiisip mo pa din ba siya kahit araw-araw?
10. Nanghihinayang ka pa ba sa KAYO dati?

Kung tunay na OO lahat ng sagot mo, then keep trying..makakamove-on ka din.
Kung HINDI na talaga at totoo ka sa sarili mo, Congrats dude!! MOve on ka na!! 

Kung matapang ka, aaminin mo na OO lahat ang sagot mo. Pero kung masyado kang mahina para tanggapin ang katotohanan na hindi ka pa move-on isasagot mo HINDI...

Oh ano? MOVE ON KA NA BA???

Note: Madali lokohin ang ibang tao... pinakamahirap lokohin ang sarili mo.:)